KALABOSO | Isang kumander ng MILF, arestado sa Maguindanao

Maguindanao – Arestado ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Tato Ibrahim na napag-alaman na palaging nananakot sa mga residente sa Barangay Tapian.

Dahil dito, agad na nagsumbong ang mga residente hinggil sa walang habas na pagpapaputok ng baril ni Ibrahim sa tuwing nagkakaroon ng pagtatalo sa kaniyang mga kapitbahay.


Nanampal din ang suspek ng isang tauhan ng barangay makaraang pigilan siya nito sa ginagawang panghaharass sa isang sibilyan.

Hindi naman na nakapalag ang suspek nang arestuhin ito kung saan nakuha sa kaniya ang isang hindi lisensiyadong calibre .45 na baril.

Facebook Comments