ASEAN BASKETBALL LEAGUE | Alab Pilipinas, pasok na sa semifinals

70

Vietnam – Pasok na sa semifinals ng 2018 ASEAN Basketball League ang Alab Pilipinas matapos talunin ang Saigon Heat sa mismong homecourt nito sa CIS Arena sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Tinalo ng Alab ang Saigon sa game 2 sa score na 96-85 kung saan nanguna para sa Alab sina Renaldo Balkman at Lawrence Domingo na kapwa mayroong 21-points.

Makakaharap ng Alab sa game 1 ng ABL semifinal ang Hong Kong Eastern sa Miyerkules (April 11) sa kanilang homecourt sa Southern Stadium sa Hong Kong.

Facebook Comments