KALABOSO | Mga iligal na nangingisda sa islang sakop ng Masbate, arestado ng PCG

Masbate – Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang fishing boat na Bherry-B sa karagatang sakop ng Zapata Mayor Island at Jintotolo Island, Balud Masbate matapos maaktuhang iligal na nangingisda.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa 28 indibidwal ang sakay ng naturang bangka, at kinakitaan rin sila ng ibang paglabag.

Sa ginawang pagsisiyasat ng PCG, napag-alaman na walang kaukulang dokumento ang bangka, walang lisensya ang kapitan at wala ring marine diesel mechanic license.


Hinahainan na ng kaso ang mga mangingisda.

Facebook Comments