Puerto Princesa City – Inaresto ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office ang isang punong barangay na kabilang sa high value target sa lungsod.
Kinilala itong si Angelito Flores Arriesgado 50-anyos, Barangay Captain ng Barangay Pagkakaisa Puerto Princesa City.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Superintendent Imelda Tolentino alas 2:00 ng hapon kahapon bitbit ang search warrant sinalakay ng mga pulis ang bahay ng suspek dahil sa kasong paglabag sa RA 10591.
Sa pagsalakay narekober sa suspek ang isang kalibre 38 pistol, apat na live ammunition at isang plastic sachet na may lamang shabu.
Nakakulong na ngayon ang punong barangay sa Puerto Princesa City Police Office habang inihahanda na karagdagang kaso para rito.
Facebook Comments