KALABOSO | Tatlong lalaki, arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 sa Edsa kanto ng E. Rodriguez Avenue.

Nakilala ang mga nadakip na sina Julius Alcantara, Joven Glipa at Samuel Quiral.

Narekober mula sa mga suspek ang isang kilo ng marijuana na nakalagay sa mga plastic sachet na nagkakahalaga naman ng P13,000.00.


Aminado ang suspek na si Alcantara na nagbebenta siya ng marijuana pero iginiit nito na dapat daw ay magkaroon ng batas sa bansa na pumapayag sa paggamit ng medical marijuana.

Facebook Comments