Hindi nagbago ang kalagayan ng mga healthcare workers sa kabila ng pagpapairal ng dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Filipino Nurses United (FNU) National President Maristela Abenojar, nananatiling pagod ang mga medical frontliners at kulang na kulang pa rin ang mga nurses at doktor.
Bukod dito, nasa danger zone pa rin ang bed capacity ng mga ospital.
Samantala, bagama’t bumaba sa 180 mula sa dating 200 ang bilang ng admission sa Philippine General Hopsital (PGH) kada araw, punuan pa rin ang Intensive Care Unit (ICU) nito.
Habang nasa full capacity na rin ang ICU ng Lung Center of the Philippines at 80% na namang okupado ang kanilang mga kwarto para sa moderate COVID-19 cases.
Facebook Comments