Idineklara nang drug free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kalahating porsyento ng barangay sa bansa.
Batay sa tala ng PDEA, 22,093 na barangay o 52.55% nito ay drug cleared na.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, bunga ito ng walang tigil na operasyon ng kanilang ahensya sa pagsugpo ng illegal na droga sa bansa.
Ipinagmalaki naman ni Carreon kung ilan ang naarestong indibidwal na nagtutulak o dami ng droga na nakukumpiska sa kanilang clearing operations.
Aniya, nais ng PDEA na tapusin lahat ng barangay bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Facebook Comments