Kalansay nahukay sa Pandag Maguindanao

Bumungad sa mga residente ng Sitio Talingko Kayaga Pandag Maguindanao ang kalansay ng di pa nakilalang indibidwal. Sinasabing natagpuan ito sa gilid lamang ng Alip River matapos mamataan ang bahagi ng mga buto nito sa paa. Agad namang ipinagbigay alam ng mga opisyales ng barangaay sa pangunguna ni Kapitan Abdulhamid Mangelen ang impormasyon sa Pandag MPS. Matapos ang pagkakadiskubre ng kalansay ng tao ay agad itong dinala sa San Emmanuel Funeral Homes sa Tacurong City.

Facebook Comments