PATAY | Babae, sawi nang barilin sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Mangga Street, Barangay Pag-Asa, Quezon City.

Kinilala lamang ang biktima sa pangalang Amy na nagawa pang humingi nang tulong sa mga residente bago masawi.

Gayunman, walang lumabas sa mga ito dahil sa takot na madamay sa krimen.


Ayon kay Luz Asor, residente sa lugar, palabiro ang biktima at walang kaaway.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng baril.

Patuloy namang inaalam nang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek na bumaril sa biktima.

Facebook Comments