Kalayaan mula sa pandemya at kahirapan, hangad ng mga senador

Ngayong ika-123 taong paggunita sa pagkamit sa Kasarinlan ng Pilipinas ay umaasa si Senator Chritopher “Bong” Go na isasabuhay natin ang ginawa ng ating mga bayani na pagbabayanihan, pagmamahal sa bayan at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino.

Diin ni Go, ito ay upang makamit din natin ang kalayaan sa gitna ng pandemya o ang kalayaan mula sa sakit at banta sa ating buhay at kalusugan.

Hangad din ni Go ang kalayaan mula sa kahirapan at iba’t ibang dagok sa buhay, at kalayaan mula sa mga pekeng balita at maling impormasyon.


Patuloy naman ang hangarin ni Senator Sonny Angara na tamasahin ng lahat ng Pilipino ang lahat ng kalayaan sa ilalim ng isang demokratikong lipunan.

Pangunahing binanggit ni Angara, ang kalayaan mula sa kahirapan at kalayaan mula sa hamong hatid ng COVID-19 pandemic sa ating health system at ekonomiya.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Angara ang patuloy na pagsusulong ng mga batas at polisiya na magpapa-angat sa buhay ng bawat Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na ginagawa ang lahat para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya.

Facebook Comments