KALIDAD NA BOX CULVERT PROJECT SA BRGY. SIBLOT, SAN NICOLAS, MATIBAY NA PANGONTRA SA BAHA

Malaking tulong sa mga residente ng Brgy. Siblot, San Nicolas, Pangasinan ang proyektong paglalagak ng box culvert bilang pangontra sa baha.

Mula sa dating maliliit na culvert, pinalawak at sinemento ng lokal na pamahalaan ang daanan at gilid ng tila estero, nilagyan ng malalapad na siyam na box culvert na may sukat na anim na metro ang haba at 1.8 metro ang lapad.

Layunin ng proyekto na mapabuti ang daloy ng tubig, maprotektahan ang mga kabahayan, at matiyak na mananatiling ligtas at madaanan ang mga kalsada sa barangay kahit sa panahon ng malalakas na pag-ulan.

Natapos ang proyekto noon pang Disyembre at kamakailan ay ininspeksyon ng lokal na pamahalaan upang tiyakin ang kalidad na pagkakagawa sa proyekto at napapakinabangan ng mga residente.

Para naman sa mga residente, ang proyekto ay hindi lamang ng kaligtasan kundi pati ng patuloy na kaunlaran, na may mas matibay na pundasyon para sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments