KALIDAD NG HANGIN SA REGION 1, PATULOY NA BUMUBUTI DAHIL SA COMMUNITY QUARANTINE

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Bumaba ang air pollution sa rehiyon uno dahil sa umiiral na community quarantine ayon sa Department of Environment and Natural Resources Region 1 (DENR R1). Ayon kay Mary Ann Escoto ng DENR Region 1, sa kanilang daily monitoring ito ay laging nasa kategorya ng “good quality” kumpara noong bago pa lamang mag-simula ang community quarantine na nasa fair-good quality na kategorya.

Ang Urdaneta City, San Fernando City at Batac City ay mga lugar kung saan sinusuri ang kalidad ng hangin sa buong rehiyon. Samantala, patuloy ang panawagan ng ahensya sa pag-alaga sa kapaligiran kahit pa walang umiiral na community quarantine.

Facebook Comments