KALIDAD NG TUBIG SA MGA SAPA SA BRGY. TUMBAR SA LINGAYEN, SINURI

Sinuri ang kalidad ng tubig sa ilang sapa sa Barangay Tumbar, Lingayen sa isinagawang water quality testing ng Young Environmental Advocates of Lingayen (YEAL) bilang bahagi ng Creek Clean-Up at Bokashi Mudball Throwing Activity.

Gamit ang field test kits at water quality meters, tinukoy ng grupo ang iba’t ibang water quality parameters upang makapagtala ng baseline data sa kasalukuyang kondisyon ng mga daluyan ng tubig sa lugar.

Ayon sa YEAL, mahalaga ang pagkakaroon ng datos upang magsilbing batayan sa mga susunod na hakbang sa pangangalaga at rehabilitasyon ng mga sapa.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Youth Volunteer Facilitators of Lingayen (YVFL) upang masuri kung ang mga programang pangkalikasan na ipinatutupad ay may nasusukat na epekto sa kalagayan ng mga anyong-tubig.

Ang nakalap na datos ay gagamitin sa pagpaplano ng mga susunod na clean-up at rehabilitasyon ng sapa sa barangay.

Facebook Comments