Nananawagan ang Gabriela Women’s Party na tiyakin na ang mga evacuation centers sa bansa ay maging gender sensitive.
Pahayag ito ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas makaraang maitala kamakailan ang kaso ng rape sa isang evacuation center sa Zamboanga City.
Tinukoy ni Brosas ang report ng Commission on Human Rights (CHR), na isang siyam na taong gulang na bata ang ginahasa ng isang 46-anyos na suspek sa palikuran ng evacuation center sa Zamboanga.
Diin ni Brosas, mariing kinukundena ng Gabriela Women’s Party ang naturang krimen kaakibat ang panawagan na mabigyan agad ng hustisya ang batang biktima.
Bunsod nito ay iginiit ni Brosas sa gobyerno na siguraduhing ligtas ang mga kababaihan at kabataan sa mga evacuation centers sa bansa.
Facebook Comments