Pinangunahan ni Department of Agrariam Reform ARMM Secretary Dayang Carlsum Jumaide ang isinagawang turn over ng mga proyekto mula sa programa ng Humanitarian Development Action Program ARMM sa bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao .
Kinabibilangan ito ng warehouse, solar drier at sampung mga socialized housing sa 170 Agrarian Reform Beneficiaries mula sa 67 hectares na Agrarian Reform Communities ng Brgy Bagoenged DOS.
May kalakip pang solar panels at water system ang mga naiturn over na mga bahay.
Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga beneficiaries sa tulong na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
Layun ng proyekto ay upang matulungan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga itinutring na poorest of the poor na mga residente sa buong rehiyon giit pa ni Sec. Jumaide.
Umaasa naman ang kalihim na pangangalagaan ng mga beneficiaries ang proyektong ipinagkaloob sa kanila ng gobyerno.
Bukod sa DOS, ilang bayan pa sa Maguindanao ang nakatakdang makabibiya rin ng mga kahalintulad na proyekto mula sa HDAP dagdag ni Sec Jumaide.
Sinasabing prayoridad nito ang mga dating conflict affected areas sa ilalim na rin Kalilintad sa Kanggilupa program ng DAR ARMM.