Cauayan City, Isabela- Inanunsyo ni Kalinga Governor Ferdinand Tubban na positibo ito sa COVID-19 matapos sumailalim sa RT-PCR test.
Sa kanyang pahayag, hinihiling nito ang kaligtasan ng bawat isa lalo na at humaharap pa rin ang bansa sa pandemya dulot ng virus.
Hinimok rin ng gobernador ang mga taong posibleng nagkaroon ng pakikisalamuha sa kanya sa nakalipas na linggo na mangyaring obserbahan ang ilang sintomas ng COVID-19 at kaagad na komunsulta sa mga health worker kung makakaranas ng mga sintomas.
Inabisuhan rin nya ang kanyang mga kababayan na sundin ang minimun public health standards para makaiwas sa pagkahawa ng COVID-19.
Kasalukuyang nakasailalim sa quarantine facility ang opisyal para patuloy na maobserbahan.
Sa ngayon, nasa 409 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.