Ito ay matapos aprubahan ni Governor James Edduba nitong Lunes, Setyembre 5, 2022 ang panukalang i-host ng Kalinga ang mga aktibidad ng naturang pageant upang maipakita ang kultura at isulong ang turismo sa lalawigan.
Maipapakita naman ang ganda ng Kalinga sa gagawing video ng Miss Earth Carousel Production kasama ang mga delegado ng Miss Earth sa finals na ii-stream online at ipapalabas sa A27 Channel.
Hihilingin din sa mga kandidata na i-feature ang Kalinga sa kanilang mga social media account upang mas lalo pang makilala at madiskubre ang ganda at mayaman na kultura ng Kalinga.
Ang Miss Earth pageant ay taunang internasyonal na kompetisyon na naglalayong isulong ang environmental awareness, conservation at social responsibility.
Isa ito sa apat na malalaking beauty pageant competition kabilang ang Miss World, Miss International at Miss Universe.