Tatlong maswerteng nanalo sa “Bisekletrabaho Year 4 Promo: Munting Regalo mula sa Puso para sa PESO, nakatanggap ng maagang pamasko mula sa DZXL 558 Radyo Trabaho

43

Naihatid na ng buong pwersa ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ang bawat bisekleta ng tatlong maswerteng nanalo sa DZXL 558 Radyo Trabaho – “Bisekletrabaho Year 4 Promo: Munting Regalo mula sa Puso para sa PESO o Public Employment Services Office.

Nagpapasalamat at napatalon sa sobrang saya sina Rosaflor Jerezo ng PESO Taguig, Blenda Onisa ng PESO Pasay at Maria Lourdes Oprenario ng PESO San Juan matapos matanggap ang kani-kanilang napanalunang bisekleta.

Ayon kay Mam Blenda ng PESO Pasay, malaking tulong sa kaniyang pamilya ang bisekleta dahil may magagamit na para sa hatid sundo sa kaniyang pamangkin sa paaralan.


Dagdag pa niya, malaking tulong din ito para sa kanilang online business.

Sunod naman na ihahatid sa mga susunod na araw ang bisekleta ni Alfredo Padual ng PESO Caloocan.

Ito ang ating pasasalamat at maagang pamaskong handog sa apat na taong anibersaryo ng DZXL 558 Radyo Trabaho, kung saan apat na bisekleta para sa apat na empleyado ng PESO-NCR ang ating ipinamigay at ini-raffle sa mismong anibersaryo ng Radyo Trabaho noong August 29.



At sa nakalipas na apat na taon ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang PESO ang ating naging katuwang sa pagbibigay ng trabaho sa masang Pilipino.

Kabilang na rito ang araw-araw nating pag-aanunsyo ng iba’t ibang job openings sa NCR at Mega Manila at pagsama natin sa Mega Job Fair ng NCR-PESO.


Asahan ninyo na mas pagbubutihan pa namin ang pagbibigay-gabay sa hanapbuhay.

Facebook Comments