Batay sa pinakahuling datos, umabot na sa 147,050 ang nakatanggap ng second dose o katumbas ng 82% mula sa target population na 179, 754.
Kaugnay nito, nagsimula na ang pagbabakuna ng second booster dose sa mga kabilang sa priority group A1 (Frontline Healthcare Service Workers) at Group A2 (Senior Citizens).
Maglulunsad naman ng intensive vaccination drive – primary at booster vaccines na layong makamit ang herd immunity o ang 70% ng kabuuang populasyon ng adult at minor age group sa Kalinga.
Samantala, magiging responsable din ang PHO sa pagpapatupad ng Health Promotion Playbook, ang Integrated Vector Management Dengue para maiwasan at makontrol ang pagkalat ng nasabing lamok, pagbili ng mga gamot, at ang panukala ng waste management at sewerage system para sa mga district hospital.
Nangunguna sa listahan ang Baguio City na may 108.49 percent na fully vaccinated na indibidwal, kasunod ang Abra na may 98.56 percent.