Kalinga, Wala pang Naitatalang Kumpirmadong Kaso ng COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Nananatili pa rin na negatibo sa corona virus disease ang Probinsya ng Kalinga matapos ang mas mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa lahat ng entry at exit point sa bawat lugar.

Batay sa pinakahuling datos, 27 na ang nagnegatibo matapos isailalim swab test ang mga ito habang nananatili ang bilang ng 15 covid-19 suspected case.

Ayon sa ulat, pinag-aaralan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang mga lugar na gagawing quarantine facilities sakaling makapagtala ang kanilang probinsya sa nakamamatay na sakit.


Kaugnay nito, binakante na ang ilang paaralan gaya ng Tabuk City National High School maging ang Tilag Integrated School para sa pagpapagamit bilang quarantine facilities sa mga maitatalang kaso ng covid-19.

Ito ay matapos na ianunsyo ng DepED ang posibleng pagpapaliban ng pagbubukas ng klase para sa taong 2020-2021.

Samantala, patuloy pa rin ang pamamahagi ng Social Amelioration Subsidy sa mga residente sa ilang bayan ng Kalinga.

Facebook Comments