KALOBOSO | Tatlong human traffickers, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Arestado ng NBI-International Airport Investigation Unit ang tatlong human traffickers habang na-rescue ang 137 na mga kababaihan.

Kinilala ang mga naaresto na sina Particia Lambino alyas Mommy, Rosie Lopez at Marilyn Filomeno.

Isa sa mga biktima ng mga suspek ang 16 anyos mula sa Maguindanao ng naharang ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos itong itangkang dalhin sa Riyadh, Saudi Arabia.


Nabatid na isang Pamiya Muhammad ang tumulong sa menor de edad para makakuha ng passport.

Ayon sa NBI, pinatira rin ng Global Connect Manpower Resources anf biktima sa isang apartment sa Pasay City

Naiproseso rin ng nasabing agency ang TESDA training at pre-departure seminar kahit na hindi dumalo sa training at seminar ang menor de edad

Ang mga suspek ay naisailalim na rin sa inquest proceedings sa DOJ sa mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003,Extended Anti-Human Trafficking in Persons Act of 2012 at Migrants Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Facebook Comments