Kalusugan Festival ng IPHO Maguindanao dinagsa

Humigit kumulang 15 libong pasyente ang nakabenepisyo sa libreng gamutan na inilunsad ng Integrated Provincial Health Office sa Maguindanao Provincial Hospital simula noong March 5 – March 9, 2018.
Ayon pa IPHO Maguindanao Dr. Tahir B. Sulaik na 80 sa mga pasyente ay sumailalim sa major surgeries habang 200 ang sumailalim sa minor surgeries, maliban dito sumailalim rin ang higit 20 mga pasyente sa cataract operations.
Ang aktibidad ay bilang bahagi ng Kalusugan Festival na naglalayung matulungan ang lahat ng mga residente ng lalawigan na nangangailangan ng medical services dagdag pa ni Dr. Sulaik.
Naging katuwang ng IPHO Maguindanao ang 40 mga doktor mula sa Southern Philippines Medical Center-Davao City, Cotabato Regional and Medical Center- Cotabato City, at mga doktor mula sa lalawigan ng Maguindanao.

Facebook Comments