Kamag-anak ni Randy Malayao, Nalungkot sa Nangyari sa NDF Consultant

Cauayan City, Isabela – Bago ang nangyaring pamamaril ay naikuwento umano ni Randy Malayao na plano niyang tumira ng permanente sa kanilang ancestral home sa San Pablo, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Magie Malayao, pinsang buo ng pinatay na NDF Consultant sa ginawang ugnayan ng RMN Cauayan sa kanya.

Si Magie Malayao ay isa sa mga empleyado ng Local Health Insurance Office dito sa lungsod ng Cauayan at regular na radio guest sa radio program na RMN Sentro Serbisyo.


Kanya pang ibinahagi na ang kanilang pamilya ay nabigla sa balitang binaril si Randy Malayao kaninang alas dos y medya ng Enero 30, 2019 sa isang bus stop sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya.

Magugunitang si Randy Malayao ay naging Vice President for Visayas ng College Editors Guild of the Philippines(CEGP) noong siya ay nasa kolehiyo sa Iloilo.

Maliban sa pagiging consultant ng National Democratic front of the Philippines ay miyembro din siya ng Board of Trustees ng SELDA- Northern Luzon at kasalukuyang bise presidente ng Makabayan Coalition.

Facebook Comments