Iimbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ginawang paggugol ng gobyerno sa bilyong pisong pondo para sa COVID-19 pandemic response.
Binigyang diin ni Speaker Lord Allan Velasco na may oversight powers ang Kamara para silipin ang paggastos ng mga ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Velasco, lahat ng budget na ipinapasa ng Kamara ay kailangang malaman kung nagagastos ng wasto sa mga tamang proyekto at programa.
Nakatitiyak ang speaker na magsasagawa ng serye ng mga pagdinig ang Kamara para pagpaliwanagin ang mga opisyal kung paano at saan ginastos ang COVID-19 response fund.
Hindi naman binanggit ng speaker kung kailan isasagawa ang congressional hearing.
Batay sa mga dokumento ng Department of Budget and Management (DBM), mayroong P168.7 billion na pondo para sa pandemic response ang hindi pa rin nagagamit ng iba’t ibang mga ahensya.