Kamara, hiniling sa Malakanyang na kausapin na si Budget Sec. Benjamin Diokno

254

Manila, Philippines – Hinikayat ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., ang Malakanyang na kausapin na si Budget Secretary Benjamin Diokno tungkol sa maanomalyang budget insertions at practices.

Ito’y matapos akusahan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Andaya na nag-aastang abogado ng mga contractor ng DPWH nang ibunyag nito na lubog sa utang ang DBM.

Ayon kay Andaya, maraming sikretong hindi nalalaman si Panelo tulad ng P100 Billion na payables sa mga contractor na nagresulta sa pangungulimbat ng lagay o kickback.

Isa lamang aniya ang pagkakautang sa napakaraming kapalpakang nagawa ni Diokno na makakadiskaril sa Build, Build, Build program ng administrasyon.

Handa naman si Andaya na humarap sa isang briefing sa Malacañang anumang oras para patunayan ang kanyang alegasyon laban sa kalihim.

Facebook Comments