Tuesday, March 10, 2026

Kamara, patuloy na kikilos para protektahan ang mamamayan laban sa epekto ng tensyon sa Middle East

Tiniyak ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III na patuloy na kikilos ang pamahalaan at Kongreso upang pangalagaan ang kapakanan ng bawat Pilipino at pangunahan ang bansa sa harap ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Bunsod nito ay pinapakilos na ni Dy ang Kamara upang magsulong ng mga batas at patakaran na magpoprotekta sa mga Pilipino laban sa epekto ng oil price shocks na dulot ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

Ayon kay Dy, ang mga mambabatas at iba’t ibang Komite ay walang humpay na magsusulong ng mga priority bills at mga hakbang na makakatulong upang mapagaan ang epekto ng mga pandaigdigang krisis sa ating mamamayan.

Dagdag pa ni Dy, tututukan din ng Kamara ang mga patakarang magpapalakas sa ekonomiya at magpoprotekta sa kabuhayan ng mga ordinaryong Pilipino.

Hinggil dito ay nananawagan din si Dy sa lahat na magbuklud-buklod at magmamalasakit sa isa’t isa upang malampasan natin ang kasalukuyang hamon na hatid ng pandaigdigang krisis.

Facebook Comments