Kamara, pinasosolusyunan ang iba pang problema sa traffic

Manila, Philippines – Pinareresolba ni House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento sa MMDA ang iba pang problema sa pagbigat ng trapiko sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng komite, natukoy na ang pagtaas ng volume ng mga sasakyan at kakulangan sa mga kalsada at imprastraktura ang nakitang problema sa paglala ng traffic sa NCR.

Ayon kay Sarmiento, kapansin-pansin ang pagdami ng mga bumabyaheng bus lalo na sa EDSA dahilan kaya matindi ang traffic araw-araw.


Posible aniyang bumalik nanaman ang mga kolorum na bus na isa rin sa mga dahilan ng pagbigat ng trapiko.

Bukod dito, kulang din ang mga traffic enforcers na nanghuhuli sa mga kolorum na pampasaherong sasakyan.

Nauna dito ay inirekomenda ni MMDA Chairman Danny Lim na gawing 2 beses sa isang Linggo ang number coding scheme para makabawas sa mga sasakyan at sa traffic.

Facebook Comments