Manila, Philippines – Bumwelta ang mga kongresista sa Senado na ayusin muna ang sariling bakuran bago punahin ang itemization ng Kamara na una nang tinawag na unconstitutional.
Ayon kay House Majority Leader Fredenil Castro, kung may natitira pang kahihiyan sa mga mambabatas ay tigilan na ito at ayusin muna ang problema sa kanila mismong nasasakupan.
Muli naman niyang ipinaliwanag na legal ang ginawa ng mga kongresista na bahagi ng authorization process lalo at malaki ang kaibahan ng budget sa mga ordinaryong bills na maaari lamang galawin sa period of amendments.
Nagbabala si Castro na hangga’t hindi naisasabatas ang P3.757 trillion proposed national budget ay malaki ang malulugi sa gobyerno at maaaring hindi maabot ang 7 percent na target growth.
Matapos ang ginawang pulong noong nakaraang araw na kasama si Pangulong Duterte ay walang napagkasunduan ang dalawang kapulungan sa pambansang pondo.