Manila, Philippines – Nangako ang Kamara na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa flood control scam.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., sa katunayan ay may ilang imbestigador na mula sa Ombudsman ang nakipag-ugnayan sa House Committee on Rules hinggil sa anomalya sa flood control projects.
Humingi na aniya ng kopya ng mga dokumento ang Ombudsman sa Kamara mula sa mga nakalap sa pagsisiyasat na ginawa kamakailan sa Naga City.
Tiniyak din ni Andaya na ibibigay sa anti-graft body ang mga kinakailangan sa gagawin nitong imbestigasyon.
Sa pagpasok aniya ng Ombudsman ay mas nahihikayat pa sila na magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon hinggil sa flood control projects at iba pang iregularidad ng Department of Budget Management (DBM).