MANILA – Kakayanin ng mababang kapulungan ng kongreso na pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa Pebrero.Ayon kay House Deputy Speaker Fredenil Castro – handa na silang magsagawa ng marathon hearing para sa pagbabalik ng parusang kamatayan.Hindi dapat harangin ang mga kongresista sa pagtatanong para walang isyu ang maiwan sa debate ng death penalty.Nakiusap naman ang kongresista na huwag maging paulit ulit at paikot-ikot ang takbo ng debate para maging malinaw ang panahon para sa botohan sa panukalang ito.Nanawagan naman si Castro sa media na i-cover ang bawat stage ng plenary debate para mas maunawaan ng publiko ang argumento sa pagsusulong na maibalik ang parusang kamatayan at kahalagahan nito sa kampanya laban sa kriminalidad.
Kamara – Tiniyak Na Maipapasa Sa Pebrero Ang Death Penalty Bill
Facebook Comments