KAMPANTE | Martial law extension, tiyak na maaaprubahan ng Kongreso – Speaker Alvarez

Manila, Philippines – Tiwala si Speaker Pantaleon Alvarez na kakatigan ng Kongreso ang martial law extension sa Mindanao sa susunod na taon.

Giit ni Alvarez, nakita nyang mabigat ang basehan ng rekumendasyon ng militar at pulisya para palawigin ang batas militar sa rehiyon.

Wala aniya siyang nakikitang constitutional issue sa extension kaya lulusot ito kahit pa may magkwestyon sa Korte Suprema.


Sa mga nagsasabing walang basehan ang hirit na Martial Law extension, hinahamon ni Alvarez ang mga ito na magpunta sa Mindanao.

Hindi porket deklarado nang tapos ang giyera sa Marawi ay tapos na rin ang banta ng mga terorista.

Nagpapatuloy din ngayon ang caucus sa Kamara kasama ang mga house leaders, at sina Executive Secretary Salvador Media ldea, Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero.

Bukas, alas nueve y medya ng umaga ay magsasagawa ng joint session ang Senado at Kamara para desisyunan kung nararapat pa ba ang isang taon pang Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments