Cauayan City – Mas pinaigting pa ang ginagawang kampanya kontra karahasan sa buong rehiyon dos sa pamamagitan ng impormatibo at makabuluhang talakayan kaugnay sa Violence Against Women and Children (VAWC).
Nagsimula kahapon, ika-9 ng Disyembre ang 2 Day Regional Gender and Development Committee Summit 2024 na may temang United for Change: Gender Focal Point and Development System Assembly and Celebration to End Violence Against Women and Children na ginanap sa Isabela Convention Center, Brgy. Tagaran Cauayan City, Isabela.
Ang programang ito ay bahagi ng 18-Day Campaign to End VAWC kung saan tampok rito ang iba’t-ibang talakayan patungkol sa mga batas, polisiya, Action Plans, at Preventions na may kaugnay sa VAWC na naglalayong maghatid ng sapat at tamang kaalaman kung paano malalabanan ang karahasan.
Dumalo sa aktibidad ang iba’t-ibang mga government agencies, Local Government Units, at Universities mula sa iba’t-ibang lugar sa Lambak ng Cagayan.