Manila, Philippines – Sanib-pwersang inilunsad ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang “Task Force Kamao” kontra sa mga kolorum na sasakyan.
Ang naturang task force ay binubuo ng mga tauhan ng Department of Transportation, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority, Philippine National Police – Highway Patrol Group, at Armed Forces of the Philippines.
Layunin nito na mas mapaigting ang panghuhuli sa mga kolorum na sasakyan alin-sunod na rin sa utos ni Pangulong Duterte.
Nauna nang nagkasa ng crackdown kontra kolorum na mga public utility vehicle ang inter-agency council on traffic nitong lunes.
Unang tinarget ng I-Act ang mga bus na buma-biyahe papuntang probinsya lalo na ngayong Semana Santa.