Kampanya kontra krimen mas pinalakas pa sa Datu Odin Sinsuat

Itinalagang Officer in Charge ng Datu Odin Sinsuat PNP si SPO4 Arnel Guiamalon.

Itoy matapos na italaga sa Provincial Headquarters sa Maguindanao si Chief Inspector Lendsy Sinsuat na sinasabing nakatakdang pamunuan ang Chief Investigation ng Maguindanao PPO.

Kaugnay nito magpapatuloy ang mga nasimulang kampanya ng DOS PNP kontra anu mang uri ng krimen, drogra , sugal at terorismo ayon pa kay DOS PCR Chief SPO3 Eugene Ross Echavez.


Patuloy pa rin ang panawagan ng DOS MPS na makiisa sa kanilang mga adbokasiya para maipagpatuloy ang katiwasayan sa buong bayan. Ang DOS ay may 34 na barangay , sa ilalim rin nito ang pinakamalaking Army Division sa buong bansa ang 6th ID.

DOC Pic

Facebook Comments