Kampanya kontra loose firearms mas pinalakas ng 37th IB

Nagpapatuloy ang paghikayat ng 37th Infantry Batallion sa lahat na nasa ilalim ng kanilang nasasakupan na makiisa sa kanilang kampanya kontra loose firearms.

Layun nito ay upang tuluyang maiwasan ang mga kaguluhang dulot ng baril at maisulong ang pagkakaroon ng gunless society ayon pa kay 37th IB Commander Lt. Col. Florencio Politud Jr. sa panayam ng DXMY.

Sa ngayon mahigit 200 mga assorted firearms na ang isinuko sa 37th IB mula sa mga bayan ng Barira, Buldon, Matanog, Parang Sultan Kudarat at Sultan Mastura. Matatandang unang tumugon ang mga taga Iranun Towns noong nakaraang buwan na isinagawa sa bayan ng Buldon. Kahapon 76 na mga assorted firearms rin ang isinuko mula sa mga bayan ng SK at SM.


Pinasalamatan naman ni Col. Pulitod ang lahat ng mga nakiisa sa kanilang adbokasiya, mula sa ordinaryong mga residente, mga barangay officials at mga Local Chief Executives.

Facebook Comments