Mahusay ang initial turnout ng polio vaccination drive sa Bangsamoro Region sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Naipapatupad ng mga bakunador sa 116 mga bayan sa Bangsamoro ang anti-COVID-19 protocols.
Yaong mga nakatalaga sa lugar na may COVID-19 cases ay nagsusuot ng biohazard protection gears upang matiyak na sila at ang mga batang bibigyan ng oral polio vaccine ay ligtas mula sa virus.
Ayon kay health minister Dr. Safrullah Dipatuan, kasabay ng 3rd round ng Sabayang patak Kontra Polio ay isinasagawa rin ang information campaign na naglalayong ma-educate ang publiko hinggil sa kahalagahan ng bakuna laban sa polio sa mga bata habang nasa gitna ng COVID-19 pandemic.(DMR)
BARMM PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>