Kampanya kontra terorismo at droga mas pinalakas sa Maguindanao

Pinangunahan ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ang isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting kahapon sa BBGM resto sa bayan ng Buluan.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang pagpapalakas pa ng seguridad sa buong lalawigan, campaign against terrorism, criminalities at illegal drugs.
Binigyan naman ng pagkilala ang mga inisyatiba ng mga bayan ng Mangudadatu, Mother Kabuntalan, Northern Kabuntalan at Datu Montawal na walang humpay sa pagsugpo sa illegal drugs at Buldon na kauna unahang bayan sa lalawigan na idineklarang Rido Cleared na.

Dumalo sa aktibidad sina 6th ID Commanding General Arnel Dela Vega, Maguindanao PNP Director Agustin Tello mga representante mula PDEA at ibat ibang ahensya.


Nakatakda namang magsasagawa ng Maguindanao Inter Religious Security and Economic Summit. Sinasabing kabilang na dadalo si Cardinal Orlando Quevedo.(DENNIS ARCON)
Photo: G.F

Facebook Comments