
Tiwala si Senator Sherwin Gatchalian na nasa tamang direksyon ang gobyerno kaugnay ng kampanya laban sa disinformation.
Kaugnay ito sa pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa apat na vloggers na binago ang sinabi sa interview ng ilang government officials.
Ayon Gatchalian, ang talamak na fake news ay divisive o nagreresulta ng pagkakawatak-watak, nakakasira at nagpapahina sa ating mga institusyon.
Sinabi ng mambabatas na hindi dapat hayaan ang digital space na ma-hijack ng mga tao na inaabuso ang kalayaaan sa pamamahayag para mailigaw ang publiko at para makapanggulo.
Dagdag pa ng senador, marapat lamang na may mapanagot at maparusahan ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon dahil ito ay sumisira sa integridad ng pamahalaan.