Kampanya laban sa droga, hindi lamang tungkol sa pagpapatupad ng batas – DDB

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Dangerous Drugs Board (DDB) na hindi lamang tungkol sa pagpapatupad ng batas ang anti-drug campaign ng bansa kung hindi ito ay batay sa isang holistic, comprehensive at balanced approach.

Ang pahayag ay ginawa ng DDB dahil sa posisyon ng Psychological Association of the Philippines (PAP) na tumututol sa kasalukuyang diskarte ng pamahalaan sa paglaban sa illegal drugs.

Paliwanag pa ni DDB Chairman Catalino Cuy, ang kasalukuyang kampanya ay batay sa Philippine Anti-Illegal Drug Strategy at hindi kailanman nakatuon sa kriminal na paggamit ng droga.


Giit ni Cuy na napakalaking tulong ng mga stakeholders at LGU’s sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang tuluyang masawata ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments