Kampanya laban sa malnutrisyon, paiigtingin pa ng BBM-Sara UniTeam

Tiniyak ng BBM-Sara UniTeam na paiigtingin nila ang kampanya laban sa malnutrisyon sa bansa sakaling mapagtagumpayan ang 2022 election.

Ayon sa BBM-Sara UniTeam, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang matindi ang malnutrisyon dahil sa matinding kahirapan.

Nagpalala rin anila ang nararanasang COVID-19 pandemic dahil marami ang nawalan ng trabaho at negosyo na nagresulta sa matinding gutom at paghihirap.


Iginiit ng BBM-Sara UniTeam na makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para sa problema sa kagutuman, maging sa lokal na pamahalaan.

Paiigtingin din anila nila ang implementayson ng School-Based Feeding Programs (SBFPs) ng Department of Education (DepEd) na layong tugunan ang panandaliang gutom sa mga pampublikong paaralan.

Nauna nang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 2020 na 31% ng mga kabahayan ang nakaranas ng gutom at 9% ang nakaranas ng matinding gutom, na pinakamataas sa mahigit 20 taon.

Facebook Comments