Timbog ang isang lalaki matapos umanong nakawin ang isang camera na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P14,000 sa Barangay San Antonio, Alaminos City madaling-araw ng Setyembre 16, 2026.
Batay sa ulat, bandang alas-5:05 ng umaga nang rumesponde ang mga tauhan ng Alaminos City Police Station dahil sa ulat ng pagnanakaw sa isang residential house.
Sa paunang imbestigasyon, nakita umano ng isang saksi ang suspek na nagmamadaling umalis mula sa isang bahay sakay ng tricycle.
Agad na rumesponde ang mga pulis, hanggang sa naaresto ang suspek. Nakuha sa ginamit na tricycle ang isang camera na tinatayang nagkakahalaga ng P14,000.
Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa naarestong suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










