Kampilan medal, cash assistance at armas, personal na iniabot ni President Duterte sa pitomput-apat na sundalong sugatan sa bakbakan sa Marawi City na nasa hospital ng 4th ID, Camp Evangelista, Cagayan de Oro City

Binisita ni President Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasugatan sa bakbakan sa Marawi City na nasa hospital ng 4th Infantry Division sa Patag dito sa Cagayan de Oro City.
Ayun kay 4th ID Spokesperson Captain Joe Patrick Martinez, aabot sa pitumpot-apat ang bilang ng mga sugatang sundalo ang ginagamot ngayon sa hospital ng 4th ID.
Nanawagan naman ang opisyal sa mga miyembro ng New People’s Army na sumuko na at agad silang gagawing sundalo gaya ng unang sinabi ng Presidente.
Samantala, mismong si President Duterte naman ang nag-abot ng “Kampilan Medal” pati na cash assistance at armas sa mga wounded soldiers.
By: Lovelyrose Sambaan
pc: 4th ID spokesperson Captain Joe Patrick Martinez

Facebook Comments