Friday, February 27, 2026

Kampo ng beauty queen na si Michelle Dee, gagawin ang lahat ng legal remedy para maaresto si Xian Gaza sakaling maglabas ang korte ng warrant of arrest

Tiniyak ng kampo ng beauty queen na si Michelle Dee na gagawin nila ang lahat ng paraan para maaresto ang kontrobersiyal na content creator na si Christian “Xian” Gaza sa sandaling maglabas na ang korte ng arrest wareant laban sa kanya.

Si Gaza ay sinampahan ng kasong cyber libel sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y mapanirang puring post nito laban kay Dee.

Ayon kay Atty. Maggie Garduque, maraming paraan para maaresto si Gaza na ngayon ay nasa ibang bansa.

Puwede aniya nilang gamitin ang iba nitong nakabinbing warrant of arrest sa ibang kaso para ipaalarma sa International Police Commission at makapaglabas ng red notice.

Sa pamamagitan ng red notice mula sa Interpol ay mapapadali ang pagtunton at pag-aresto sa kanya.

Kung maalala, naghain ng supplemental affidavit sa NBI ang kampo ni Dee kahapon kaugnay ng reklamo nitong cyber libel.

Facebook Comments