KAMPO NG CTG-NPA, NAKUKUB NG MILITAR; MGA WAR MATERIALS AT EXPLOSIVES, NAREKOBER

Nadiskubre ng mga tropa ng kasundaluhan ang isang abadonadong kampo ng mga Communist Party of the Philippines (CTG) sa Bauko, Mountain Province ngayong araw, Agosto 31, 2022.

Ito ay matapos ng isinagawang Major Internal Security Operation ang pinagsanib na pwersa ng 1st and 2nd Mountain Province PMFC, Bauko MPS, PIU/PDEU-Mountain Province, EOD/K9 PECU Mountain Province at RID PROCOR sa Mount Nentingli sa Barangay Bagnen Proper, Bauko, Mountain Province.

Nakerober din daw ng mga awtoridad ang isang Homemade Shotgun; 18 piraso Dynamite; Stick Commercial “Nitron EM 1500 Emulsion Explosive”; 20.5″ Polyvinyl Chloride (PVC) pipe; 53 piraso compact disc, 5 piraso assorted DVDs; at isang piraso ng 15L Gallon na naglalaman ng gasolina.

May natagpuan ding mga subersibong dokumento, mga communication devices, medicine kits at iba’t ibang personal na gamit.

Nilimas din ng tropa ang lugar katuwang ang PECU para sa posibleng pagrekober pa ng ibang Improvised Explosive Device o IEDS.

Facebook Comments