LALAKI, ARESTADO SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA

29
Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki na nahuling nagbenta ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Cajel, Diffun, Quirino kahapon, Agosto 30, 2022.

Kinilala ang suspek na si Vicente Villanda Jr, 41-taong gulang, laborer at residente ng Purok 3, Brgy Cajel, Diffun, Quirino.

Siya ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Quirino PO and Diffun Municipal Police Station bandang alas 5:50 ng gabi ng parehong araw.

Nakumpiska mula sap ag-iingat ng suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng iligal na droga na may market value na 5,000 pesos at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang lalaki ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dinala ang suspek sa Diffun Municipal Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments