Manila, Philippines – Maghahain ng petition for privilege of Writ of Habeas Corpus ang kampo ni Bohol Board Member Niño Ray Boniel na kumukwestyon sa pag-aresto sa kaniya.
Ito’y matapos mabigo ang PNP region 7 na magsampa ng kaso laban sa kaniya hinggil sa pag-patay niya sa kaniyang misis na si Bohol, Bien Unido Mayor Gisela Boniel
Una na kasing naglabas ng resolusyon ang korte na palayain na ang suspek dahil lagpas na 36 oras na reglementary period ang pagkahuli sa kaniya.
Samantala, bigo pa ring mahanap ang mga labi ng alkalde na itinapon sa isang isla sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Nabuhayan pa ng loob ang mga naghahanap nang dumating ang fish finder dahil kaya nitong mag-detect ang mga bagay kahit 2,000 talampakan pa ang lalim sa dagat.
Siyam na oras silang nagsalit-salitan sa paghahanap pero hindi pa rin nakita ang bangkay ng alkalde.
Kinunan na rin ng DNA sample ang isa sa mga anak ng alkalde at ng asawa nito.
Nais nilang malaman kung tugma ang DNA sample na narekober mula sa bangka na ginamit para pagsakyan at maitapon ang mga labi ng biktima.
DZXL558