Kampo ni Chief Justice Sereno, naghain na ng reply sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Larry Gadon

Manila, Philippines – Nakapaghain na ng sagot ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa Kamara para sagutin ang mga alegasyon sa impeachment complaint na inihain dito ni Atty. Larry Gadon.

Isa sa abogado ni Sereno na si Atty. Justin Mendoza ang nagsumite 80 pahinang reply ng punong mahistrado sa House Committee on Justice.

Tinanggap ni Justice Committee Secretary Atty. Rene Delorino, ang reply ng punong mahistrado.


Ngayong September 25 ang huling araw para sa ibinigay na palugit sa Chief Justice na 10 working days para maghain ng reply sa impeachment complaint.

Magiging basehan naman ng komite ang reply ni Sereno para sa determination of probable cause sa impeachment complaint laban dito.

Tumangging magbigay ng pahayag ang abogado ni Sereno sa media.

Welcome naman sa komite kung mismong si CJ Sereno ang magpapaliwanag sa reply nito.

Facebook Comments