Kampo ni De Lima, pinag-aaralan ang epekto sa kanyang kaso ng pagkamatay ni Jaybee Sebastian

Pinag-aaralan na ngayon ng kampo ni Senator Leila De Lima ang epekto sa kaniyang mga kaso ng pagkamatay ni Jaybee Sebastian sa loob ng New Biliid Prison dahil sa COVID-19.

Si Sebastian ang tinuturing na “star” witness sa mga kaso ni De Lima na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Muling iginiit ni De Lima na imbento lang ang lahat ng testimonya ni Sebastian at ng iba pang Bilibid inmates para palabasin na may kinalaman siya sa operasyon ng ilegal na droga at tumatangggap ng drug money.


Dahil dito ay iginiit ni De Lima na patay man o buhay si Sebastian ay hindi pa rin magbabago na gawa-gawa lang ang lahat ng sinumpaang kwento nito para siya ay idiin.

Samantala, sinabi ni De Lima na kung totoong namatay nga dahil sa virus si Sebastian at iba pang inmates ay ipinapakita lang nito ang pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments