Pamahalaan, pipiliting makabili ng maraming face mask para maipamahagi nang libre sa publiko

Pipilitin ng pamahalaan na makabili ng maraming face mask para maipamahagi sa publiko.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ibibigay niya ito nang libre sa lahat para wala nang dahilan ang mga tao na hindi magsuot ng face mask.

“Masks, ito talaga ang importante. Kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford. Ibigay namin ‘yan sa inyo libre but wear it,” ani Duterte.


Matatandaang sa nakaraang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), iminungkahi ng health expert na si Dr. Anthony Leachon na gawing libre para sa lahat ang face mask.

Aniya, maraming mahihirap na Pilipino ang walang pambili ng pagkain kaya wala rin silang maibili ng face mask.

Facebook Comments