Kampo ni Rep. Arnolfo Teves Jr., binigyan ng DOJ ng hanggang April 14 para magsumite ng counter affidavit

Binigyan ng Department of Justice (DOJ) ng hanggang sa April 14 ang kampo ni Rep. Arnolfo Teves Jr., para magsumite ng kaniyang kontra salaysay.

Kaugnay ito ng reklamong illegal possession of firearms and explosives na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Teves.

Binigyan naman ng DOJ ang panig ng complainant o ang PNP-CIDG ng hanggang March 29, 2023 para magsumite ng karagdagang mga ebidensiya.


Sa pagsisimula ng preliminary investigation sa DOJ kanina, hindi sumipot si Teves at tanging ang abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio ang dumalo sa hearing.

Iginiit naman ng kampo ng kongresista na planted daw ang mga armas at pampasabog na nakuha ng mga awtoridad sa kanyang tahanan sa sa Bayawan City, Negros Oriental.

Facebook Comments